MILYONG-milyong piso ang ginagastos sa
kuryente ng shrimp farm sa Sarangani Province noon.
Kinakailangan ng maayos na suplay ng
kuryente upang matiyak ang 24/7 operation sa mga farm dahil kailangan ng mga hipon ang sapat na
oxygen para sa maayos na paglaki.
Kung ang oxygen ay hindi sapat, ikakamatay ito ng mga
hipon.
At sa paglipas ng panahon, nagiging hamon sa San Andres Aqua Culture Corp. (Sanacor)
ang napakamahal na presyo ng kuryente at ng diesel para sa mga ginagamit na generator tuwing
brownout.
“Noong wala pang solar, ang electricity namin is almost aabot ng 3 million per
month. Kung kulang ‘yung support ng electricity, that’s why namamatay. Tinatawag sa Bisaya
sa amin hangla,” ayon kay Geyser Limbague, Farm Technician.
Kaya nitong taong 2022,
nag-umpisa nang gumamit ng renewable energy ang Sanacor para sa kanilang shrimp farm particular
na ang solar power.
“The owner decided to shift kasi ‘yun nga medyo may nag-pitch sa
kaniya actually and he thought that it might be good na mag-save up kami sa electricity cost
namin basically,” ayon kay Engr. Shawna Velasco, Engineering Supervisor.
20-25
porsiyento na ng ginagamit na kuryente ng Sanacor ay nanggagaling sa enerhiya ng araw.
Dahil
sa pag-shift nila sa solar power, milyong piso ang natitipid nila sa kuryente.
“Noong
dumating solar namin, bumaba ‘yung electricity cost namin sa isang buwan. Less than P2
million na lang,” dagdag ni Geyser Limbague.
“Double win ‘yung sa amin kasi
aside from being able to save up sa electricity cost namin, we’re also helping the
environment,” dagdag ni Engr. Shawna Velasco.
Bukod sa tipid sa kuryente ay mas
napadali rin ang trabaho ng mga empleyado na nag-aalaga sa mga hipon at ang produksiyon ng mga
ito.
Shrimp farm sa Sarangani, nagtayo ng floating solar farms
Hindi naging balakid sa
Sanacor ang kakapusan sa lupain para magdagdag pa ng mga solar farm.
Halimbawa na lamang ay
isang solar farm na lumulutang sa tubig.
Pero ano nga ba ang kaibahan ng mga solar farm na
lumulutang sa tubig at sa land-based?
“Dahil sa effect ‘nung water tapos medyo
nagkakaroon ng kaunting breeze so ‘yung cooling effect niya nagiging mas efficient ‘yung
solar cells natin. Puwede nating sabihin na mas mataas siya nang kaunti kumpara doon sa
normal installation natin,” ayon kay Gregorio Corruz Jr., Engineering-WeGen Energy,
Head.
Solar farm ng Sanacor, gumagamit ng Huawei Technology
Gumagana ang solar farm ng
Sanacor sa pamamagitan ng mga energy inverter ng Huawei na nagco-convert sa solar energy na
maging kuryente.
Ang mga teknolohiya na ito ay may kakayahan na tukuyin ang energy
requirements ng shrimp farm at nakatutulong upang pababain ang gastusin sa kuryente.
“Ang
first priority na napro-produce ng solar powered system nila here ang nangyayari was
binibigay na una was the solar energy. If ever that would be like mas maraming load or
requirements ng kuryente ‘yung establishment na ito eh pinagco-combine niya ‘yung galing
doon sa utility plus the solar powered harvest,” ayon kay Jesus Calasara Jr., Smart
Photovoltaic–Huawei, Service Manager.
Sa pamamagitan din ng FusionSolar app ng Huawei ay mas
madaling na mo-monitor ang real-time ng performance ng mga solar farm mula sa dami ng nakukuhang
solar energy na na co-convert bilang kuryente at dami ng kuryente ng nagagamit ng
Sanocor.
Mas madali ring natro-trouble shoot ang mga problema ng mga solar farm.
“Doon
nakikita natin ‘yung effectiveness ng technology. So mapapadali actually ‘yung maintenance
naming,” ani Corruz.
Nasusukat din ng nasabing app ang kontribusyon ng solar farms
sa pagbawas ng greenhouse gas emissions.
By: Jayson Rubrico