This site uses cookies. By continuing to browse the site you are agreeing to our use of cookies. Read our cookie policy >
May 30, 2024
MILYONG-milyong piso ang ginagastos sa kuryente ng shrimp farm sa Sarangani Province noon.
Kinakailangan ng maayos na suplay ng kuryente upang matiyak ang 24/7 operation sa mga farm dahil kailangan ng mga hipon ang sapat na oxygen para sa maayos na paglaki.
Kung ang oxygen ay hindi sapat, ikakamatay ito ng mga hipon.
At sa paglipas ng panahon, nagiging hamon sa San Andres Aqua Culture Corp. (Sanacor) ang napakamahal na presyo ng kuryente at ng diesel para sa mga ginagamit na generator tuwing brownout.
“Noong wala pang solar, ang electricity namin is almost aabot ng 3 million per month. Kung kulang ‘yung support ng electricity, that’s why namamatay. Tinatawag sa Bisaya sa amin hangla,” ayon kay Geyser Limbague, Farm Technician.
Kaya nitong taong 2022, nag-umpisa nang gumamit ng renewable energy ang Sanacor para sa kanilang shrimp farm particular na ang solar power.
“The owner decided to shift kasi ‘yun nga medyo may nag-pitch sa kaniya actually and he thought that it might be good na mag-save up kami sa electricity cost namin basically,” ayon kay Engr. Shawna Velasco, Engineering Supervisor.
20-25 porsiyento na ng ginagamit na kuryente ng Sanacor ay nanggagaling sa enerhiya ng araw.
Dahil sa pag-shift nila sa solar power, milyong piso ang natitipid nila sa kuryente.
“Noong dumating solar namin, bumaba ‘yung electricity cost namin sa isang buwan. Less than P2 million na lang,” dagdag ni Geyser Limbague.
“Double win ‘yung sa amin kasi aside from being able to save up sa electricity cost namin, we’re also helping the environment,” dagdag ni Engr. Shawna Velasco.
Bukod sa tipid sa kuryente ay mas napadali rin ang trabaho ng mga empleyado na nag-aalaga sa mga hipon at ang produksiyon ng mga ito.
Shrimp farm sa Sarangani, nagtayo ng floating solar farms
Hindi naging balakid sa Sanacor ang kakapusan sa lupain para magdagdag pa ng mga solar farm.
Halimbawa na lamang ay isang solar farm na lumulutang sa tubig.
Pero ano nga ba ang kaibahan ng mga solar farm na lumulutang sa tubig at sa land-based?
“Dahil sa effect ‘nung water tapos medyo nagkakaroon ng kaunting breeze so ‘yung cooling effect niya nagiging mas efficient ‘yung solar cells natin. Puwede nating sabihin na mas mataas siya nang kaunti kumpara doon sa normal installation natin,” ayon kay Gregorio Corruz Jr., Engineering-WeGen Energy, Head.
Solar farm ng Sanacor, gumagamit ng Huawei Technology
Gumagana ang solar farm ng Sanacor sa pamamagitan ng mga energy inverter ng Huawei na nagco-convert sa solar energy na maging kuryente.
Ang mga teknolohiya na ito ay may kakayahan na tukuyin ang energy requirements ng shrimp farm at nakatutulong upang pababain ang gastusin sa kuryente.
“Ang first priority na napro-produce ng solar powered system nila here ang nangyayari was binibigay na una was the solar energy. If ever that would be like mas maraming load or requirements ng kuryente ‘yung establishment na ito eh pinagco-combine niya ‘yung galing doon sa utility plus the solar powered harvest,” ayon kay Jesus Calasara Jr., Smart Photovoltaic–Huawei, Service Manager.
Sa pamamagitan din ng FusionSolar app ng Huawei ay mas madaling na mo-monitor ang real-time ng performance ng mga solar farm mula sa dami ng nakukuhang solar energy na na co-convert bilang kuryente at dami ng kuryente ng nagagamit ng Sanocor.
Mas madali ring natro-trouble shoot ang mga problema ng mga solar farm.
“Doon nakikita natin ‘yung effectiveness ng technology. So mapapadali actually ‘yung maintenance naming,” ani Corruz.
Nasusukat din ng nasabing app ang kontribusyon ng solar farms sa pagbawas ng greenhouse gas emissions.